Search
  • Levi Gonzales

Magkapitbahay nagpatayan

PATAY ang magka­pit­bahay matapos magsak­sakan sa Bgy. Tala, San An­dres, Quezon.

Alas-5:30 ng hapon nang magpunta sa bahay ng sus­pek na si Anthony Guilsano, 38, may live-in partner, ang biktimang si Cristituto Du­ran, 20, binata, at humiling sa kanyang bitawan ang kan­yang patalim at sa halip ay hinamon nito ng suntukan.

Agad umalis ang suspek at pagbalik ay agad na tinaga sa likuran at kamay ang biktima. Nakaganti pa ito sa sus­pek kung saan inunda­yan nito ng saksak sa dibdib saka muli nitong tinaga sa ulo at dibdib ang biktima bago tu­luyang bumagsak ang da­lawa na naging sanhi ng ka­nilang kamatayan.

Samantala, inaalam pa ng awtoridad ang pinagmulan ng away ng dalawa.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.