Search
  • BULGAR

Kursong housekeeping, libreng hatid sa inyo ng TESDA!

ALVIN FELICIANO / TESDA AT YOUR SERVICE

Mga ka-TESDA, ang TESDA ay naglalayong mas mapabuti ang bawat Pilipino. Hangarin nilang umunlad ang ating bayan sa tulong ng bawat isa dahil ang pag-unlad ng isa ay tiyak na pag-unlad din ng ating bansa hindi lang sa sarili nating bayan kundi pati na rin sa iba pang bahagi ng mundo. Nais nating mas makilala sa ibang bansa na may de-kalidad na magtrabaho at makipagsabayan sa ibang nasyunalidad.

Tanong: Magandang araw! Gusto kong itanong kung saan may TESDA sa Batangas? Gusto ko sanang mag-apply ng kursong Housekeeping para makakuha ng National Certificate na magagamit ko sa aking trabaho. — Jamaica Escala

Sagot

Mga ka-TESDA, puwede ninyong puntahan ang Training Center sa Batangas na matatagpuan sa P. Herrera Street, Poblacion, Batangas, 4200 Batangas. Mas makabubuti na puntahan ninyo ito upang mas malinawan kayo sa iba pa ninyong katanungan.

Tanong: Nakapagtapos ako ng kursong BS HRM at kailangan ko ng NC para sa aking mapapasukan. Maaari bang hindi na ako mag-training at kumuha na lang ng certificate? —Jonathan Roque ng Cavite

Sagot

Mga ka-TESDA, kayo ay maaaring magpa-assess na agad kung alam ninyong kakayanin ninyo ang exam. Kapag nakapasa kayo sa exam ay mabibigyan kayo ng NC. Maaaring tumawag sa hotline ng TESDA sa mga numerong 888-5641 hanggang 46 upang mas mabigyan nila kayo ng mga listahan na maaari ninyong puntahan na Assessment Centers o pumunta sa opisina ng TESDA na malapit sa inyo.

Mga ka-TESDA, subukan na ang kakayahan at sumugod sa mga malalapit na opisina ng TESDA. Sigurado ang inyong pag-asenso sa tulong ng TESDA, hindi kayo pababayaan at mas gaganda pa ang inyong buhay kaya huwag ng mag-alinlangan pa.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.