Kelot tinepok ng gunman
Pabs Hernandez III
Nov 2, 2018
1 min read
LAGUNA—Isang lalaki ang namatay nang barilin ng hindi kilalang armadong salarin, kamakalawa sa Bgy. Landayan, San Pedro City sa lalawigang ito.
Nakilala ang biktima na si Julio Insorio, nakatira sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, habang nakaupo umano si Insorio sa naturang lugar nang sumulpot ang suspek at agad pinagbabaril hanggang sa mapatay ang biktima.
Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng suspek sa pamamaslang sa biktima.





Comments