top of page
SHEET - CLAUDINE, NAPIKON NA TINAWAG NA BIPOLAR, MAGDEDEMANDA_FB Claudine Barretto.jpeg

Kaya ‘wag ka raw magmadali, sis! DALAGANG PINAPAYUHANG HINTAYIN ANG NAKATAKDANG KAPALARAN UPANG MAGK

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 2, 2018
2 min read

KATANUNGAN

  1. May boyfriend ako, siya ang first ko at may nang­yari na sa amin. Itatanong ko lang kung siya na ba ang makatutuluyan ko, kahit na napansin kong dalawa ang Marriage Line sa kaliwa at kanan kong palad?

  2. Kung hindi pa siya ang makatutuluyan ko, may lalaki pa kayang magmamahal at mag-aalok ng kasal sa akin, kahit hindi na ako virgin?

KASAGUTAN

  1. Wala namang ka­ugnayan ang virginity sa itinakdang kapalaran ng tao sapagkat ang nakatak­da ay hindi nakabase sa ka­lagayan ng tao, pisikal man ito o emosyunal.

  2. Kapansin-pansin ding maraming babae na dati ng may asawa ang nahiwalay at pagkatapos ay nakapag-asawang muli.

  3. Ibig sabihin, kahit na may karanasan ka na sa lalaki, walang dahilan upang hindi ka na makapag-asawa at mag­karoon ng isang masaya at panghabambuhay na pamilya, lalo na kung mayroon kang matino at magandang Marriage Line sa kaliwa at kanan mong palad.

  4. Gayunman, kapansin-pansing nabiyak o pumangit ang unang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad, nangangahulugang hindi mo makatutuluyan ang kasalukuyan mong boyfriend. Kaya kahit na maging meaningful at mahalaga ang kasalukuyan mong relasyon, sa bandang huli ay mauuwi rin ito sa paghihiwalay upang mabigyang-daan naman ang pagdating ng ikalawa at mas maganda at malinaw na Marriage Line (Drawing A. at B. 2-M. arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad na nagpapahi­watig ng isang masaya at matagumpay na relasyon na ha­hantong sa panghabambuhay ng pag-aasawa.

DAPAT GAWIN

Habang ayon sa iyong mga datos, Sophia, bagama’t sa kasalukuyan ay lalo pang iinit ang relasyon ninyo ng boyfriend mo, sa bandang huli ay mauuwi rin sa biglaang paghihiwalay ang inyong samahan upang sa pagpasok ng susunod na taong 2019, sa edad mong 25 pataas, bagong pag-ibig at pakikipag­relasyon ang darating sa iyo hatid ng lalaking isinilang sa zodiac sign na Gemini kung saan ang ikalawang pakikipag­relasyong ito (Drawing A. at B. 2-M arrow b.) ang siya nang mapapangasawa mo at makakasama sa pagbuo ng isang ma­saya at panghabambuhay na pagpapamilya na nakatakdang mangyari sa taong 2021, sa edad mong 27 pataas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page