- BULGAR
Kaya bisitahin mo na raw ang mga yumao mong kamag-anak, beshy! PAGPUNTA SA SEMENTERYO, EPEKTIB NA PA
Donna Thea Topacio/ Gulat ka 'noh?!

DEHINS ka ba pupunta sa sementeryo, besh, ngayong Araw ng mga Patay? Naku, bukod sa malamang ay dalawin ka ng yumao mong mahal sa buhay, knows mo bang ang pagpunta sa sementeryo ay nakagagaan ng pakiramdam?
Marami sa atin ang nalulungkot sa tuwing ang pinag-uusapan ay ang mga mahal natin sa buhay na namatay na.
Pero ayon sa pag-aaral, ang pagbisita o pag-alala sa mga kapamilya natin na pumanaw ay nakapagbu-boost umano ng ating pakiramdam kung saan imbes na malungkot tayo, eh, mas magiging masaya at masigla pa tayo.
Gayunman, base sa siyentipikong pag-aaral, ang kamalayan natin sa kamatayan ay nakai-improve ng physical health dahil nakatutulong ito upang mare-prioritize natin ang ating mga pangarap at pag-uugali, kaya maging ang paglalakad sa sementeryo ay may positibo ring epekto sa tao.
Samantala, sa pag-aaral na ginawa ni Zachary Rothschild mula sa University of Kansas, ipinakita niya na ang pagtaas ng awareness sa kamatayan ay nakamo-motivate sa American at Iranian religious fundamentalists na magpakita ng magandang pag-uugali sa kapwa maging sa iba pang mga relihiyon.
Gayundin, ang pag-iisip sa kamatayan ay nakapo-promote ng mas magandang kalusugan dahil sa nakaraang pag-aaral, ito raw umano ang nagpapaalala sa atin upang magkaroon tayo ng mas magandang desisyon sa ating ginagawa at kinakain tulad ng pagtigil sa paninigarilyo at pag-eehersisyo.
Kaya ngayong Araw ng mga Patay, i-treasure natin ang mga mahal natin sa buhay at ang totoong kahulugan ng kamatayan. ‘Ika nga ng iba, una-unahan lang ‘yan. He-he-he!