- BULGAR
HOROSCOPE | NOBYEMBRE 2, 2018 (Biyernes)
Maestro Honorio Ong

SA MAY KAARAWAN NGAYONG NOBYEMBRE 2, 2018 (Biyernes): Gagarantiyahan ng langit ang iyong kabutihang loob. Pagkakalooban ka ng isang ilog na hindi humihinto ang agos ng mga biyaya.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ingatan mong maging emosyunal dahil kapag ang damdamin ang umiral, ang tamang pangangatwiran ay nakalilimutan. Muli, huwag kang maging emosyunal. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-19-20-23-38-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kayanin mo ang akala mong hindi mo kaya. Sa ganito, sobra kang liligaya dahil magagawa mo na ang dating sinukuan mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-18-20-23-28-34.
GEMINI (May 21-June 20) - Kikislap ang mga pangyayari sa iyong harapan, ingatan mong maakit ka ng mga kislap na wala ka namang mapakikinabangan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-11-17-20-24-33.
CANCER (June 21- July 22) - Manghiram ka ng kaalaman sa alam mong kumikita ng malaki. Magpaturo ka sa kanya nang sa gayun ay umasenso ka rin at huwag mong ipagdaramot ang iyong mga matututunan. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-1-19-23-39-40-46.
LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag mong patulan ang mahihina. Oo, hindi dapat sila pinapatulan lalo na ang mga hindi alam ang tama at mali. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-17-20-24-38-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Dagdagan mo pa ang pagkilos mo nang sa gayun ay hindi masayang ang maraming biyaya na nasa iyong harapan. Ang kilos nang kilos ay yumayaman. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-17-23-30-35-43.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mahirap makatakas sa mga problema. Pero, kapag inisip mo ang reyalidad, magiging malaya ka rin, balang-araw. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-10-16-17-28-37.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang masyadong mag-isip. Kapag marami kang iniisip, hihina ang iyong katawan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-18-29-31-33-35.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mahirap man ang iyong mga obligason, kailangan mo pa rin itong gawin at tapusin. Ang tunay na kaligayahan ay mararamdaman pagkatapos ng mabibigat na gawain. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-18-20-22-27-39-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong habulin ang oras. Bakit mo pahihirapan ang sarili mo gayung hawak mo naman ang oras mo? Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-11-15-24-25-34.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hayaan mong ang langit ang magbigay sa iyo ng kaligayahan. Kung ikaw lang ang masusunod, kalungkutan lang ang mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-19-21-28-30-38-43.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag mong pilitin ang mahirap pakiusapan. Magsasayang ka lang ng oras at masasaktan lang ang iyong kalooban. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-19-20-25-27-31.