Search
  • Jersey Sanchez

Helicopter bumagsak, 25 patay

DALAWAMPU’T LIMA katao kabilang na ang mga crew ang nasawi sa pagbagsak ng isang helicopter ng Afghan army sa timog-kanlurang bahagi ng Afghanistan.

Ayon sa tagapagsalita ng gobernador ng Farah na si Naser Mehri, dalawang army helicopters ang papunta sa kalapit na Herat Province nang mawalan ng kontrol ang isa dahil sa masamang lagay ng panahon.

Ayon naman sa pahayag ng grupong Taliban, pinabagsak daw ito ng mga militante.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.