Search
  • Green Lantern

DESTINY LAMANG SA RACE 8

TUMAMA ba kayo noong Miyerkules? Kung ina­sinta n’yo ang mga tips natin ay malamang nakadale kayo, sa Winner Take All nagbigay ng P58, 411.80, isa lang ang hindi natin nasapul ‘yung nanalong si Red Gold sa Race 5.

May siyam na karera tayo ngayong araw at mag­sisimula ng alas-3 ng hapon sa San Lazaro Leisure Park, Carmona, Cavite.

Dito tayo sa sakay ni star jockey Jonathan B. Hernandez na si Smart Tyler, (4) lamang ito sa laban, pili tayo sa pamorkas na Awat Na Boy, (6) at Strong Leader, (8).

Kay Professor Jones, (1) ako sa Race 2 puwedeng makadehado si Lucky Saver, (6) habang kursunada ko sa Race 3 ang dehadong si Fever Act, (8) pansuporta kay Mood swing, (5).

Sa Race 4, kunin natin sina Sizzling Hot, (5) at Mahogany,(7) habang sa Race 5 ay sina Lucky Julliane, (7), Tonador, (1) at Persian Empire, (1A) at Guimaras Island, (6).

Pili ko sa Race 6 ay sina Show BLVD, (4) at Amazing Day, (3). Paninggel ko si Isangkahigisangtuka,(5) sa Race 7. Nakalalamang naman sa Race 8 si Destiny, (7) puwede rin natin isama sina Director’s Dona, (3) at Haring Araw, (1).

Kunin natin sa Race 9 sina Glitter Face, (9), Kiss­kissbangbang, (3) at Sierra Lanes, (3A) at Oceanside, (8).

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.