Search
  • ROMA AMOR

Dalagang naging busy kaya kinukutuban na ipinagpalit na ng kanyang boyfriend sa ibang babae


Dear Roma,

Ako si Elaine, 25 years old at kasaluku­yang working student. Mayroon akong boy­friend na si Jan at tat­long taon na kami. Dahil busy ako sa aking traba­ho at pag-aaral, mada­las ay wala na rin akong oras kay Jan. Nais ko sanang humingi ng payo sa iyo, Roma. Nu’ng isang beses na magkasama kami, nahuli ko siya na may ibang account at may ka-chat na iba’t ibang babae. Hindi na rin niya ako madalas kausapin kum­para noong bago pa lang kami. Hindi ako ma­pa­kali, ngunit, hindi ko pa siya nakokompronta tungkol dito dahil wala pa akong lakas ng loob. Anong gagawin ko, Ro­ma? — Elaine

Elaine,

Naku, mahirap ‘yan. Kaya naman ang maipa­payo namin sa‘yo ay la­kasan mo ang iyong loob upang makausap mo ang boyfriend mo tungkol sa problema ninyo. Mawa­wala ang pag­­kabahala mo kung mapag-u­usa­pan ninyo nang maayos ang problemang ito. Hiling namin na sana ay maging ma­ayos ang in­yong pag-uusap nang sa gayun ay malinawan ang iyong isipan at ma­isalba pa ninyo ang in­yong re­lasyon. Good luck at God bless!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.