Dagdag-bawas sa pasahe gawing automatic—DOTr


INIHIRIT ng Department of Transportation (DOTr) na pag-aralang muli ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang inaprubahan nitong dagdag na pamasahe sa jeep.
Ayon kay DOTr Sec. Arthur Tugade, dapat ding pag-aralan ng LTFRB ang pagkakaroon ng formula na maaaring gawing automatic na lamang ang fare adjustment.
Inihalimbawa ni Tugade ang sinusunod na matrix sa aviation sector kung saan ang rate adjustments sa fuel surcharges ay base sa presyo ng kada bariles ng langis.
Aniya, sa ngayon, ang presyo ng pamasahe sa jeep at bus ay dumedepende sa mga petisyon para sa fare hike. (BRT)





Comments