Balasahan sa team Duterte

NAGLABAS na ng direktiba si Pangulong Rodrigo Duterte na layuning ipatupad ang malawakang balasahan sa Office of the Cabinet Secretary (OCS).
Sa kanyang nilagdaang Executive Order (EO) 67, ibinalik ng pangulo ang dating pangalan ng OCS sa ‘Cabinet Secretariat’.
Matatandaang, nagbitiw si Secretary Leoncio ‘Jun’ Evasco bilang pinuno ng OCS upang tumakbo sa pagka-gobernador ng Bohol. Inilipat sa ilang kagawaran ang pangangasiwa sa ilang ahensiya sa ilalim ng OCS.
Sa ilalim ng EO 67, inilipat na ang Technical Education Skills and Development Authority at Cooperative Development Authority sa Department of Trade and Industry.
Ang National Commission on Muslim Filipinos, Philippine Commission on Women at National Youth Commission ay isinailalim na sa Department of the Interior and Local Government.
Habang ang National Anti-Poverty Commission, National Commission on Indigenous People at Presidential Commission on the Urban Poor ay pamumunuan na ng Department of Social Welfare and Development.
Binuwag na rin ni Pangulong Duterte ang Office of Participatory Governance at Performance and Projects Management Office.
Ang mga trabaho ng OPG at PPMO ay sasaluhin ng DILG at Presidential Management Staff.
Iginiit ng pangulo na kailangan ang reorganization sa Office of the President para sa mas maayos na pagsasakatuparan sa functions ng executive department.





Comments