Bagyong Rosita biglang lumayas, takot sa Undas, he-he-he!

Natakot siya sa multo!
◘◘◘
BUMABA na ang presyo ng petrolyo.
Balik na ang TRAIN Law 2!
◘◘◘
MILITARY ang magte-takeover sa Bureau of Customs.
Para lumaki pa ang intelihensiya!
◘◘◘
YUMAO na si Rico J. Puno.
Hindi na puwedeng mamasyal sa Luneta nang walang pera!
◘◘◘
ISANG diabetic si Puno na nagkaroon ng kumplikasyon sa puso.
Iyan ang resulta nang matamis magmahal!
◘◘◘
NATABUNAN ang gusali ng DPWH sa landslide sa Mt. Province.
Hindi nila alam na “landslide-prone” ang area.
◘◘◘
PIPIGILIN ang implementasyon ng fare hike.
Unang himala ngayong Nobyembre!
◘◘◘
MARAMI pa rin ang umiidolo kay Moammar Khadafy.
Isa siyang dakilang lider ng daigdig!
◘◘◘
BINAWASAN na ng poder ang presidential secretariat.
Eh, bakit?
◘◘◘
MARAMI na ang excited sa panibagong laban ni Sen. Manny Pacquiao.
Panibagong milyong dolyares kasi ‘yan!





Comments