Search
  • Janice Baricuatro

2 tulak timbog sa sementeryo

KALABOSO ang dala­wang tulak matapos na­ki­pag-drug deal sa loob ng sementeryo na inaka­lang ligtas sa kapulisan sa mis­mong Araw ng mga Patay sa Bacoor City, Cavite.

Kinilala ni P/Supt. Vi­cente Cabatingan, ang mga suspek na sina Ros­tum Ba­rot, 37, construc­tion worker at Allan Ulita, 32, jeepney driver, kapwa residente ng Bgy. Molino 2, Bacoor City.

Alas-11:00 ng umaga nang ilatag ng Bacoor CPS at PDEA Cavite ang isang buy-bust operation sa loob ng St. Michael Ce­metery ma­­tapos ma­pag­ka­sun­duan ang drug deal ng pulis na nagpang­gap na bu­yer at ng mga sus­pek.

Nabatid na sa loob ng sementeryo palaging isi­nasa­gawa ng mga suspek ang transaksiyon para iwas sa huli.

Nakuha sa operasyon ang siyam na piraso ng plas­tic sachets na nagla­laman ng mga shabu.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.