Search
  • Maeng Santos

Shabu taya sa sugal, 10 tiklo

SAMPU ang arestado sa shabu na itinataya sa sugal na magkahiwalay na insi­dente sa Caloocan City.

Pito na hinihinalang sang­kot sa droga kabilang ang isang agent at 37-anyos na maid ang naaresto dahil sa pagsusugal ng cara y cruz.

Ayon kay Caloocan City Po­lice Community Precinct-7 Commander PSI Jerald­son River, alas-3:00 ng hapon, nagsasagawa ng beat patrol ang kanyang mga tauhan sa Riverside Libis, Baesa, Bgy. 160 nang makita ang tatlo katao na naglalaro ng cara y cruz na naging dahilan upang arestuhin ang mga ito.

Narekober sa mga sus­pek na sina Dennis Baesa, 47; Rustan Chavez, 35, at Kenneth Cabrera, 27, cons­truction worker ang 3 peso coin na gamit bilang pangara, P150 bet money at tatlong plastic sachets na naglala­man ng hinihinalang shabu.

Nauna rito, nadakip din ng mga tauhan ng PCP-7 sa isinagawang Anti-Crimi­nality Campaign sa naturang lugar sina Dominador Salazar, 49, painter; Renel Villanueva, 32; Marife dela Rosa, 37, at Arnold Villanueva, 47, agent, dahil din sa pagsusugal ng cara y cruz, alas-11:00 ng gabi.

Nakumpiska sa mga sus­pek ang 3 peso coins na ga­mit bilang pangara, P900 bet money at tig-isang plastic sachet na naglalaman ng hin­di mabatid na halaga ng hi­nihinalang shabu.

Samantala, kalaboso rin ang tatlo katao kabilang ang 57-anyos na babae matapos mahulihan ng shabu maka­raang maaresto dahil sa pag­lalaro ng tong-it.

Kinilala ang mga suspek na sina Rommel Detongo, 29, painter; Maria Noriel Alasa­as, 57, at Philip Santos, helper, pawang mga resi­dente ng Bgy. 18.

Ayon sa ulat, alas-5:15 ng hapon nang respondehan ng mga tauhan ng Caloocan Police Community Precinct-2 ang tawag mula sa con­cerned citizen hinggil sa isang grupo na naglalaro ng tong-it sa kahabaan ng Libis Na­durata St.

Pagdating sa lugar, na­kita ng mga pulis ang mga nag­susugal na naging dahi­lan upang arestuhin ang mga sus­pek at narekober sa lu­gar ang P120 at baraha na gamit bilang gambling parapher­nalias.

Nang kapkapan, nakum­piska ng mga pulis sa mga suspek ang tatlong plastic sachets na naglalaman ng hindi pa mabatid na halaga ng hinihinalang shabu.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.