Search
  • BULGAR

Pinaamin sa sex life on national TV… BOY, 'BINASTOS' NI VICE GANDA, PUMALAG!

Ador Saluta / ADORE ME!

SA pagpapatuloy ng birthday episode ng Tonight with Boy Abunda host na si Boy Abunda, ang It’s Showtime host na si Vice Ganda pa rin ang nagpapatuloy ng pag-i-interview sa birthday boy.

Sa nasabing panayam, napaamin ni Vice si Kuya Boy na 17 years old ito nang ma-lose ang kanyang virginity at ang first kiss daw ng respetadong TV host ay during high school, “Sa likod ng mga (puno ng) saging.”

Nang itanong naman ni Vice ang, “Have you ever done it with a girl?” natawa si Tito Boy at sinabi nang pabiro, “Susmaryo­sep naman, Vice, ‘wag ka namang gan­yan. Na-offend ako ru’n. Parang hindi naman tamang itanong ‘yan,” na sinabayan nila ng tawanan.

Kung kiss naman daw sa babae, sabi ni Tito Boy, “Palagay ko, me­ron, pero kinalimutan ko na.”

Attracted naman daw si Tito Boy sa men in uniform. Aniya, “Gus­to ko, naka-uniform, doctor, may kakaibang appeal sa akin.”

Sumang-ayon dito si Vice at sinabing gusto rin niya ng men in uniform katulad ng mga pulis.

Ano naman kaya ang reaksi­yon ni Tito Boy kapag natatawag siyang “Kokey”? Apektado pa kaya siya?

Ani Boy, “You have to reach a certain point in your life that you cannot be defined by words. Pero siyempre, nu’ng bata-bata pa ako, ‘pag sinabi mong kamukha ka ni Kokey o pangit ka, siyempre, maaapektuhan ka, ‘di ba? I am in a good place.”

Alam naman ng lahat na may special someone si Kuya Boy sa katauhan ni Bong Quintana, ang dati niyang PR man sa Backroom at ngayo’y isa nang executive sa PAGCOR.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.