Search
  • Green Lantern

PHILRACOM CHALLENGE SERIES

MGA tropang karerista pahinga muna ang bakba­kan sa karerahan para magkaroon tayo ng pagkakataon na mada­law ang ating mga mahal sa buhay sa semen­teryo, bukas na ulit ang balik.

Sa November 4 may malaki tayong karera, ang 2018 PHILRACOM 2nd Leg 3-year-old Open Challenge Series na ilalarga sa Saddle & Clubs Leisure park sa Naic, Cavite. Magandang laban ito dahil nakataya ang P900,000 na premyo sa unang tatawid ng meta.

May walong nominado po, ito’y sina Born In April, Brown Sister, Certain To Win, Garantisado, Gold Water, Pious Ashley, Pride Of Laguna at Viva Morena.

Kaya abangan natin ito at pag-aralan n’yo na agad ang mga tiyempo nila para makasilip kayo ng ma­gandang de­hado. Magkakaroon din ng stakes race sa November 10 ito’y ang PCSO Special Maiden Race (2YO Open) na pasisibatin sa Metro Manila Turf Club, INC. sa Malvar, Batangas.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.