top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Ombudsman, imbes suportahan, binu-bully pa ni P-Digong, tsk-tsk-tsk!

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 1, 2018
2 min read

IMBES SUPORTAHAN ANG COA, BINU-BULLY PA NI P-DUTERTE—Pinagsabihan ni P-Duterte ang Commission on Audit (COA) na huwag makialam kung paano gagamitin ng kanyang administrasyon ang kaban ng bayan sa panahon ng kalamidad.

Pambihira, imbes suportahan ang COA dahil ito ang sandata at alas ng sambayanan laban sa mga kurakot sa pamahalaan, eh, binu-bully pa ni P-Duterte.

‘Yan ba ang sinasabi ni P-Duterte na anti-corrupt siya? Pwe!

◘◘◘

MGA DDS NA NASIBAK SA PHILSUCOR, NAGSISISI NA SIGURO SA PAGBOTO KAY P-DUTERTE—Ipinag-utos na ni P-Duterte ang pagbuwag sa Philippine Sugar Corporation (PhilSuCor).

Dahil diyan, malamang nagsisisi na ang mga kawani ng PhilSuCor na bumoto kay P-Duterte noong presidential election kasi hindi nila akalain na ang sinuportahan nilang kandidato ang magtatanggal sa kanila sa trabaho.

Kumbaga, sa pagsuporta ng DDS (Duterte Diehard Supporters) PhilSuCor employees sa kandidatura ni P-Duterte ay parang kumuha sila ng bato na ipinukpok nila sa kanilang ulo, boom!

◘◘◘

MOCHA, HINDI LANG PANG-FAKE NEWS, PANG-FAKE LUMADS NA RIN—Kinondena ng UP students si Mocha Uson dahil hindi raw mga katutubong Lumad kundi mga kasapi raw ng “Mahagat-Bagani” paramilitary group na nagsasagawa ng harassment sa mga Lumad ang isinama nitong mag-rally sa UP.

Kung hindi Lumad ang mga kasama ni Mocha, ibig sabihin, pekeng Lumad ang mga ‘yan?

Hay naku, ito talagang si Mocha, pulos kabalbalan ang ginagawa kasi bukod sa pagpapalaganap ng fake news, pati pag-epal sa “rally” ng mga pekeng Lumad, pinasok na rin, buwisit!

◘◘◘

‘ENTENG CHENG’, BALIK-RAKET SA BUREAU OF CUSTOMS—Ngayon nalalapit na ang kapaskuhan at pagsapit ng Bagong Taon, balik-operasyon na naman daw sa kanyang raket na pagpupuslit ng Chinese firecrackers sa Bureau of Customs si “Enteng Cheng”.

Tingnan nga natin kung kayang ipa-”tokhang” ni newly appointed Customs Comm. Rey Leonardo ‘Jagger’ Guerrero si “Enteng Cheng,” abangan!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page