Search
  • Levi Gonzales

Mag-asawa natabunan ng lupa, dedo

KAPWA dead-on-the-spot ang mag-asawa mata­pos matabunan ng gumu­hong lupa sa Bgy. Antipolo del Sur, Lipa City, Batangas.

Batay sa ulat, abala sa trabaho bilang backhoe ope­rator sa isang bulubun­duking lugar ang biktimang si Ma­nuel Ballesteros, 40, kasama ang kanyang misis na si Evan­geline Torno, 55, ng Bgy. Ani­lao nang biglang gumuho ang lupa.

Ayon sa nakakita ng pangyayari, dulot umano ng paglambot ng lupa sanhi ng malakas na buhos ng ulan dala ng Bagyong Rosita ang dahilan ng pagguho nito.

Nalibing nang buhay ang dalawa kung saan dali-dali silang ni-rescue subalit, bina­wian din ng buhay.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.