Search
  • BULGAR

KROG AT CARCUEVA, NAGHARI SA TOUR OF LINGGARJARTI

KUMINANG sina Rex Luis Krog at Jonel Carcueva ng Go for Gold Team sa kanilang dibisyon sa katatapos na Tour of Linggarjarti sa Indonesia.

Hinarurot ni Krog, silver medalist sa Asian Junior Road Championships, ang Men Junior habang namayani si Carcueva sa Men Elite.

Hinablot ni Krog ang second sa 10KM Individual at 65KM Road events bago inupuan ang 6th place finish sa Criterium sa three-day competition.

Si Carcueva, pambato ng Cebu at nakilala sa local race Ronda ay naging consistent sa Pro Elite division, tumapos ng 3rd sa ITT, second sa road race at pang-lima sa Criterium.

Umabot sa 50 riders mula Malaysia, Singapore, Philippines at host Indonesia ang sumali sa Junior at Elite races. Hindi naman naitago ni team Director Ednalyn Hualda ang kanyang saya sa ipinakitang tikas ng kanyang Go for Gold cyclists kaya naman mas lalo silang ginaganahang salihan ang mga imbitasyon sa kanila, may nakalinyang malaking tournament sa susunod na linggo ang Tour de Singkarak.

Ang mga sasalang na siklista ni Go For Gold godfather Jeremy Go sa Singkararak ay sina Carcueva, Ronillan Quinta, Ismael Grospe, Jay lampawog, Elmer Navarro at Ronnel Hualda. (ATD)

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.