- Donna Thea Topacio
Huwag mag-overshare, iwasang magpakita ng interes, magpaka-busy atbp… IBA’T IBANG PARAAN UPANG MAIWA

KAHIT saan tayo magpunta, tila hindi na ito mawawala, nakasanayan na tuwing umaga, hapon, gabi o kahit madaling-araw pa. Kaya lang dahil sa tsismis, maraming relasyon ang nasisira, kaya dapat na talaga itong mawala o tigilan. Pero, paano kung mahirap naman itong maiwasan? Huwag kayong mag-worry, mga beshy, dahil narito ang epektibong tips para sa inyo upang makaiwas sa tsismis na tinatawag ng kanser ng lipunan.
1. MAGPAKA-BUSY. Magpaka-busy ka, beshy, para maiwasan ang tsismis! Minsan, kapag wala kang ginagawa, ito ang nag-uudyok sa iyo para makipagtsismisan hanggang sa maging hobby mo na ito. Tsk,tsk,tsk!
2. HUWAG MAG-OVERSHARE. Hindi talaga magandang nagkukuwento tayo nang sobra sa ibang tao, ‘ika nga, masama ang anumang sobra. Paraan na rin ito upang maiwasan din ang pagbibigay ng komento o opinyon sa ibang tao tungkol sa kanilang personal na buhay.
3. IWASANG MAKIPAG-UMPUKAN. Kapag may umpukan, may tsismisan! Kung ayaw maging tsismosa, huwag kang makipagsiksikan sa umpukan; hindi ka na pinawisan, hindi ka pa napag-usapan.
4. HUWAG NANG MAGPAKITA NG INTERES. Kapag hindi ka interesado sa pinag-uusapan, huwag ka ng makisali o maging “saling-pusa” para makaiwas ka na sa tsismis, makaiiwas ka pa sa isyu!
5. ITAGO ANG IYONG SOCIAL MEDIA ACCOUNTS. Huwag kang basta-basta mag-a-accept o mag-a-add ng taong hindi mo naman masyadong kakilala dahil maaaring gamitin nila ang impormasyon mo sa social media para mapagtsismisan ka nila. Keep your personal life private as much as possible, beshy!
Hindi naman sa lahat ng oras ay kailangan mong makisama. Hindi mo rin kailangang i-please ang iba para magustuhan ka nila. Kung hindi na tama ang ipinakikita nilang ugali at ginagawa nila sa iyo o sa ibang tao, ikaw na lang ang dumistansiya para wala nang away pa.
Okay?