Search
  • BULGAR

Bilihin ngayong Undas, apektado sa taas-presyo

TAUN-TAON, sanay na tayo sa pagmahal ng mga bilihin at serbisyo na para sa partikular na okasyon.

Tulad ngayong ginugunita natin ang Undas, tanggap na nating magtataas ang presyo ng mga bulak­lak, kandila at iba pang paninda.

Gayunman, naiiba raw ang taong ito dahil ramdam ang epekto ng inflation.

Kaya para mabuhay ang negosyo ngayong Araw ng mga Patay, kani-kanyang diskarte ang mga negosyante at tindero.

Halimbawa sa mga bulaklak, sa halip na taasan ang presyo para makabawi sa puhunan, binabawasan na lang nila ang bilang.

Ang mga nagbebenta naman ng kandila, isinakripisyo na lang ang ilang bahagi ng kanilang tubo.

Anila, maging ang mga mamimili ay apektado sa taas-presyo.

Ganu’n talaga ang buhay, kailangan nating mag-adjust, matutong dumiskarte at isaalang-alang pa rin ang ating kapwa.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.