Search
  • Janice Baricuatro

2 lalaki niratrat, utas

PATAY ang dalawang lalaki na imbes pumunta sa kani-kanilang mga namayapang mahal sa buhay ay pinaglalamayan ngayon sa magkahiwalay na insidente sa Laguna.

Sa inisyal na ulat mula sa awtoridad, alas-9:00 ng umaga nang unang pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek sa Bgy. Santiago 2, San Pablo City si Edwin Manalo na nakaupo lang sa waiting shed katabi ng isang tindahan.

Dead-on-arrival sa ospital ang biktima dahil sa tatlong tama ng bala sa katawan.

Samantala, sa Bgy. Landayan, San Pedro City, Laguna naman binaril si Julio Insorio, Jr. habang namimitas ng kalamansi kasama ang kanyang asawa na pinalad namang hindi nadamay.

Kilala umanong drug user ang biktima sa lugar at minsan nang nakulong dahil dito at kilala rin umanong sangkot sa mga serye ng motornapping sa San Pedro at Biñan kaya ito ang mga tinitingnang anggulo sa krimen.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.