Search
  • BULGAR

Tsokolate Ni: Aling Toyang

What's IN, ka-Bulgar

Sa tuwing may aalis, tsokolate palagi ang gustong pasalubong,

hindi alintana kahit dito lang naman sa ‘Pinas nagbakasyon.

Oh, kay sarap ng tsokolate, kailan kaya ako makatitikim nitong muli?

Sa panaginip o bukas na kaya, dali!

Matamis at masarap, pero napakamahal talaga,

lalo na kung ang bibilhin pa ay ‘yung sikat at kilala.

Pero, ganu’n talaga, hindi ba?

Kapag may gusto ka, pag-iipunan mo ito para makuha.

Sino ba naman ang ayaw sa tsokolate?

Alam ko na, kung hindi ang mga nagpapanggap na diet daw sila.

Kunwari pa, pero maya-maya dalawa na ang hawak-hawak nila.

Oh, tsokolate, nasaan ka na ba?

Kahit makalat kainin, okay lang basta ito ay mapasaakin.

Mura o mahal ay tsokolate pa rin.

Matamis at masarap, lalo na kung libre at marami.

Andiyan ka lang pala, oh, aking tsokolate.

Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-con­fess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA­-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong dam­da­min kaya mag-send na ng personal message sa aming official Face­book page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.