Search
  • Nitz Miralles

Songbird, kahit Kapamilya na… REGINE, HAPI NA TINALO NG SIYETE ANG MGA SHOWS NIYA SA DOS

MAY gimik si Alden Richards at ang mga co-owners ng restaurant business niya para sa panahon ng Undas.

Tweet ni Alden, “Guys, punta na kayo sa Concha’s Garden Cafe- Quezon City para makita n’yo ang mga staff du’n na naka-Victor Magtanggol costume... Happy Halloween.”

Nakita nga namin ang photo ng staff na naka-costume ng Victor Magtanggol. May nakasuot ng Hammerman costume, may naka-costume na Sif (Andrea Tor­res) at may naka-costume na Loki (John Estrada). Tiyak na may naka-costume rin ng Modi at iba pang karakter ng Victor Magtanggol.

Anyway, ang action director na si Vincent Soberano na ang fight director ng Victor Magtanggol. Pu­masok din bilang bagong ka­laban ni Hammer­man ang action star na si Ian Ignacio sa role ni Thrym at ang Taiwanese action star actress na si Sarah Chang na isang wu­shu champion.

Samantala, binati ni Re­gine Velas­quez sa IG nito ang Sunday PinaSaya dahil sa rating na 6.2% na mas mataas sa ASAP kung saan kasama na si Songbird.

Curious kami kung ano ang reaction nina Alden, Jose Manalo, Wally Bayola, Ai Ai delas Alas at ibang cast ng SPS sa post ni Regine na “Congratulations to everyone in SPS and KMJS. And I’m happy you guys are happy.”

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.