Search
  • Maeng Santos

Mag-utol tiklo sa shabu

ARESTADO ang isang hinihinalang drug pusher at kanyang 17-anyos na kapa­tid ma­tapos maaktuhan ng mga pulis na nag-aabutan ng shabu sa Caloocan City.

Kinilala ang naaresto na si Redjhon dela Cruz, 25, at kanyang binatilyong kapa­tid, user at kapwa ng Bgy. 5.

Alas-9:20 ng umaga, nag­sasagawa ng detective beat patrol sa kahabaan ng Torres Bugallon St. ang mga miyembro ng Station Special Operation Unit sa pangu­nguna ni PSI Rammel Ebar­le nang mapansin ang mga sus­pek na nag-aabutan ng plas­tic sachet ng shabu sa harap mismo ng publiko.

Nang komprontahin, nagpulasan ang mga suspek na naging dahilan upang ha­bulin ng mga pulis hanggang sa makorner ang mga ito.

Narekober mula sa mga suspek ang pi­tong plastic sachets na naglalaman ng hindi pa mabatid na dami at halaga ng hinihinalang shabu at P300 cash.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.