Search
  • Joy Repol Asis

Lalaking namaril, 10 todas

SAMPU katao ang nasawi sa shooting incident sa Pittsburgh Synagogue sa Pennsylvania.

Inatake umano ang Tree of Life Congregation sa kanilang service.

Kasalukuyan nang hawak ng pulisya ang suspek na si Robert Bowers, 40.

Ayon kay Pittsburgh’s Public Safety Director Wendell Hissrich, isang “hate crime” ang naganap at kinumpirma rin nito na apat sa pulis ang sugatan.

Maging sa talumpati ni U.S. President Donald Trump, mayroon umanong multiple casualties ang naitala sa nasabing pamamaril.

Sabi ni World Jewish Congress President Ronald Lauder, ang nangyaring pamamaril ay hindi lamang pag-atake sa Jewish community kundi sa buong Amerika.

Nanawagan si Pennsylvania Democrat Gov. Tom Wolf ng panalangin na wala nang buhay ang makitil.

Dagdag pa nito na dapat na raw higpitan ang batas tungkol sa gun ownership sa bansa.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.