Search
  • Donna Thea Topacio

Kaya make sure na tantiyado n’yo lang ang pag-inom nito, besh! BABALA NG MGA EKSPERTO: GATAS, NAKALA

MAHILIG ka bang uminom ng gatas, lodi? Naku, knows ba ninyong ang pag-inom daw umano ng sobrang gatas ay nakalalala ng ubo at sipon? Hala!

May mga tao sa U.K. ang hindi naniniwala sa sabi-sabi na may masamang epekto raw ang gatas sa kalusugan ng tao. Pero, nu’ng pinag-aralan ng mga eksperto ang tungkol dito, natuklasan nila na ang gatas daw umano ang nakapagpaparami sa mucus kung saan dahil dito mas lalong dumarami ang bakterya sa ating ilong na nakapagti-trigger sa pagkakaroon ng sipon, kaya naman imbes na mawala na ang ating sakit ay lalo pa itong lumalala.

Gayunman, dagdag pa ng mga eksperto, ang sobrang mucus din umano ay nakasasama sa ating nasal passage dahil sa microscopic hairs na tinatawag na cilia.

Samantala, ang maraming mucus ay maaaring magresulta rin sa pagkakaroon ng ubo, sipon, sore throat at husky voice.

Ang pag-aaral ay isinulat 1,000 years ago ng isang Jewish physician na si Moses Maimonides.

Gayundin, ipinayo niya na kailangan umanong balanse ang pag-inom natin ng gatas nang sa gayun ay hindi ito magkaroon ng masamang epekto sa ating kalusugan.

Oh, para sa mga lodi natin diyang halos gawin ng tubig ang gatas, hinay-hinay lang.

Totoong masustansiya ang gatas, pero kapag ito ay nasobrahan, ‘yun ang hindi natin alam. Copy?

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.