Ibinebenta sa palengke | SHABU SA BIGAS, BUKING


ARESTADO ang isang negosyante sa umano’y modus ang paghahalo ng hinihinalang shabu sa ibinebentang bigas sa Laguna. Batay sa ulat, hinuli sa buy-bust operation ang negosyante ng bigas sa palengke na kasama rin umano sa drugs watchlist.
Ani Superintendent Harold Depositar, ‘pag bibili ng bigas sa suspek ay nasa loob na nito ang iligal na droga. Samantala, nakuha sa operasyon ang 17 sachets ng hinihinalang shabu na nagkakahalagang higit P130,000, isang baril at mga bala.
Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang suspek. (BRT)





Comments