Search
  • BULGAR

Driving lesson ng TESDA, available na sa makati city!

ALVIN FELICIANO / TESDA AT YOUR SERVICE

Mga ka-TESDA, alinmang kurso ang nais nin­yo, tiyak may mahahanap kayong eskuwelahan na mapapasukan para rito. Pumili at siguradu­hin ang kursong nais nang sa gayun ay matu­lu­ngan kayo ng mga staff ng TESDA na makaha­nap ng slot sa mga eskuwelahan na malapit lamang sa inyo. Ang mapipiling kurso ay haha­na­pan namin ng slot sa abot ng aming makakaya.

Tanong: Magandang araw! Gusto kong malaman kung mayroon ba kayong driving school sa Makati dahil gustung-gusto kong mag-aral ng pagmamaneho? — +63 9*****2942

Sagot

Mga ka-TESDA, sa ngayon ay isa pa lamang ang training center na may rehistradong Driving NC II training sa Makati City. Ito ay ang First Gear Technical Institute and Assessment Center, Inc. sa address na #1092 Chino Roces Ave. Bgy. Tejeros, Makati City. Gayundin, maaari ninyo silang tawagan sa mga numerong 919-0350 o 754-2107 para sa mga karagda­gang katanungan.

Tanong: Magandang araw! Nais kong itanong kung gaano katagal ang pag-aaral ng Driving NC II? Ito ba ay aabot ng isang taon? — Lilybeth Ponteras

Sagot

Mga ka-TESDA, ang Driving NC II ay tatagal ng 118 hours o humigit-kumulang kalahating buwan lamang. Gayunman, maaaring magsadya sa pinakamalapit na opisina ng TESDA sa inyong lugar upang kayo ay mabigyan ng kaukulang tulong at gabay sapagkat hawak nila ang mga listahan ng eskuwelahan na may rehistradong programa ng TESDA.

Mga ka-TESDA, para sa iba pang training centers na may registered driving courses na sakop ng NCR lamang, maaari kayong tumawag sa ating opisina sa mga numerong 810-2540 at 811-3499. Marami pang kurso ang puwede ninyong enrolan kung puno na ang slot ng unang kurso na inyong napagtanungan, hindi kayo mauubusan ng mga programang maaaring kunin dahil siksik at busog tayo sa mga magagandang kurso sa TESDA.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.