• BULGAR

BUTLER NG T’WOLVES NANAKMAL NG LAKERS; THOMPSON BIDA SA WARRIORS

NAGSIPAG si

hanggang makapagtarak siya ng 3 puntos sa pagsapit ng 4th quarter at nakakamada ng kabuuang 32 puntos upang pamunuan ang Minnesota Timberwolves sa 124-120 laban sa Los Angeles Lakers kahapon sa Minneapolis.

Nakabakas si Karl-Anthony Towns ng 25 puntos, 16 rebounds at 4 blocks habang si rookie guard Josh Okogie ay umiskor ng season high puntos para sa Minnesota.

Hindi naman napigilan ang tikas ni LeBron James sa 29 puntos, 10 rebounds at 7 assists para sa Lakers. Nagbalik laro na si Brandon Ingram mula sa 4-game suspension at umiskor ng 17 sa may 24 niyang puntos sa first half ng Los Angeles habang si Kyle Kuzman ay humalibas ng 16 sa kanyang 19 sa first half. Dumagdag ng 13 si JaVale McGee at may 13 din si Rajon Rondo, 8 assists para sa Lakers.

Samantala sa iba pang laban, nakapagtala si Klay Thompson ng NBA record na 14 na tres puntos bilang bahagi ng season high 52 puntos niyang performance nang magpasabog ang bumibisitang Golden State Warrios ng 149-124 win laban sa Chicago Bulls. Umiskor ang Warriors ng 92 puntos sa first half, pinakamataas sa road team at ikalawa sa kasaysayan sa likod ng Phoenix Suns na may 107 sa first half laban sa Denver Nuggets noong Nob. 19, 1990.

Lumamang na agad ang Golden State sa 92-50 sa break period. Ang 42-point margin ang ikaapat na pinakamalaki sa halftime lead sa kasaysayan at pinakamalaki sa road team. (MC / ATD)

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.