BRONER, DELIKADONG MAKAHARAP SI PACMAN


HULING nakaiskor si Manny Pacquiao ng TKO victory at muli niyang napatunayan sa isa pang pagkakataon sa nakaraang 9 na taon ay ang laban niya kay Argentinian Lucas Matthysse.
Matapang na nagsalita ang coach ni Matthysse tungkol sa magiging laban ni Adrien Broner kay Pacman sa Enero 9, 2019.
Wala nang atrasan dahil nakalagda na ang Pambansang Kamao para maikasa ang laban niya kay Broner at ngayon ay una nang nagsalita ang head coach ni Mathysse na si Joel Diaz.
Sabi niya sa AB Boxing News: “Out of all those fighters (at welterweight from Premier Boxing Champions) I think he will be like the weakest link to fight Manny Pacquiao coming into the new promotional deal with Al Haymon.
I think if you put Errol Spence, Shawn Thurman, Keith Thurman and Adrien Broner, from all those four fighters obviously they are going to start of Manny Pacquiao with the easiest fight. I’m not saying it’s an easy fight but it will be easier than the other names.”
Idinagdag pa niya na, “It going to be a great fight don’t get me wrong, Adrien Broner always puts up great fights, he never turns anyone down and stepping in the ring with Manny Pacquiao is not an easy fight. It’s a dangerous fight for him.”
Pero anu’t anuman ang mangyari, isipin na lamang na kaya itinakda ang Pacquiao Haymon plan ay upang mailarga na rin ang pinaplanong laban nina Pacman at Floyd Mayweather, Jr., sa huling bahagi ng 2019. (MC)





Comments