Search
  • BULGAR

Basta raw du’n sa outlet na malapit sa ilog, sapa at tulay, besh! BEBOT NA SA SANDALING TUMAYA SA LO

Maestro Honorio Ong

Dear Maestro,

Gusto kong malaman ang aking masusuwer­teng numero, kulay, pet­sa at araw sa pagtaya sa lotto.

Sa nga­yon ay naghi­hirap na kami at ta­­nging ang pagtaya sa lotto la­mang ang inaasahan ng aking pamilya upang ma­­ka­ahon kami sa ka­hirapan at mga pagka­kautang.

Sana ay mabigyan ninyo ako ng iba pang pam­pasuwerte. March 14, 1982 ang birthday ko.

Umaasa,

Lodi ng Abangan Sur, Marilao, Bulacan

Dear Lodi,

Bagama’t, hindi natin tinatangkilik na paraan ang pag­susugal upang makaahon tayo sa kahira­pan, puwede naman itong ga­win bilang libangan o paminsan-minsan lang.

Gayunman, ang ba­wat isa ay may angking laya na gawin ang anu­mang bagay na kanyang maibigan hangga’t hindi siya lumalabag sa umiiral na batas at hindi niya pine­perhuwisyo ang kanyang kapwa.

Samantala, ayon sa birth date mong 14 o 5 (1+4=5) sa destiny num­ber na 1 (3+14+1999 = 118/ 11+8=19/ 1+9=10/ 1+0=1) sa zodiac sign na Pisces, ito ay nagsasa­bing tatama ka ng mala­king halaga sa anumang uri ng pakikipagsapalaran sa mga buwan ng Enero hang­gang Abril, partikular tuwing sasapit ang mga pet­sang 4, 13, 22, 31, 9, 18, 27, 8, 17 at 26, higit lalo kung ang mga pet­sang na­bang­git ay nata­pat sa mga araw ng Ling­go, Lunes at Miyerkules.

Bukod sa sarili mong kaarawan, tayaan mo rin ang ka­arawan ng asawa mo, gayundin ng ikalawa mong anak.

Maaari mo ring isama ang paborito mong mga numero at ang mga nu­merong hango sa mahi­wagang Aklat ng Kabala, 507, 531, 317 at 216. Ikaw na ang pumili ng eksak­tong kumbinasyon base sa iyong pakiramdam at pan­lasa.

Mapalad ka rin naman sa batong bloodstone kung ipalalamuti mo ito sa sil­ver o gold na sing­sing.

Samantala, upang ma­tiyak mo ang malaking panalo, maghanap ka ng lotto outlet na malapit sa “body of water” na ti­na­tawag, tulad ng ilog, tulay, dagat, tangke ng tu­big, na­­wasa o istasyon ng mi­neral water.

Sa mga lotto outlet na nabanggit na malapit sa tubigan, ma­laking panalo ang iyong makakamit.

Ayon sa Decadens ng Kapalaran, dara­ting sa bu­hay mo ang hin­di ina­asahang suwerte na mag­dudulot sa iyo ng ma­laking panalo sa pa-raffle o number games sa su­sunod na taong 2019, sa edad mong 37 pataas.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.