3 anak sex slave ni tatay
KULONG ang isang ama na ginawa umanong ‘asawa’ ang kanyang tatlong anak matapos itong maaresto sa Imus, Cavite.
Pinangunahan ni Inspector Eliseo Santana ang pag-aresto sa suspek na si Isabelo Adaoag, Jr., 48, construction worker, residente ng Pasig City.
Hinuli si Adaoag, alas-8:10 kamakalawa nang gabi sa Bgy. Bucandala IV, Imus, Cavite.
Napag-alaman na inabuso nito ang kanyang anak na noo’y 13-anyos pa lamang at hanggang nag-15 ay ginagahasa umano niya ito.
Hindi rin nakaligtas sa kamay ng suspek ang dalawa pa nitong anak na babae na ayaw namang magsampa ng reklamo. Ayon sa pulisya, tila hindi mga tao ang turing ng suspek sa mga menor-de-edad na mga anak.





Comments