- Levi Gonzales
2 riders nagsalpukan, dedbol
DEDBOL ang dalawang riders matapos magsalpukan sa Diversion Rd., Bgy. Tulo, Taal, Batangas.
Alas-5:20 ng umaga, patungo sa Lemery ang isang Yamaha motorcycle na minamaneho ni Jenwel Molin, nang mag-overtake ito saka kinain ang kabilang linya.
Eksaktong paparating naman ang kasalubong nitong motorsiklo na minamaneho ni Edgardo Balacana.
Kapwa tinumbok ng dalawa ang unahan ng kani-kanilang motorsiklo hanggang sa sila ay tumilapon.
Nadala pa ang dalawang riders sa ospital ngunit, kapwa binawian din sila ng buhay.