Search
  • BULGAR

Para safe ang biyahe, adik na bus driver out!

"SHABU bago biyahe”. Ito ang dahilan kaya nagsagawa ng random drug test ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa mga terminal ng bus, partikular sa EDSA.

Matatandaang, may ilang bus drivers na ang nahuli dahil sa paggamit ng iligal na droga bago bumiye. Anila, paraan ito para hindi sila antukin sa pagmamaneho.

Ang masaklap, nalalagay sa panganib hindi lang sila kun­di ang lahat ng kanilang pasahero.

Kaya bilang bahagi ng paghahanda sa paggunita ng Undas, puspusan ang pag-iikot ng mga awtoridad sa mga bus terminal.

Kaugnay nito, isang driver ng bus ang nagpositibo sa drug test na inirekomenda munang huwag payagang bumiyahe.

Inaasahang marami ang bibiyahe pauwi sa mga pro­binsiya, ibig sabihin, maraming buhay ang ipagkakatiwala sa mga bus driver.

At saludo tayo sa mga responsableng mamang tsuper na pamilya ang turing sa mga pasahero na sinisigurong maiha­hatid nang ligtas sa pupuntahan.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.