- Mylene Alfonso
Na-trap sa bahay | 13-ANYOS TIGOK SA SUNOG

DEDO ang isang binatilyo matapos ma-trap sa kanilang bahay habang natutulog nang sumiklab ang sunog sa Quiapo, Manila.
Ayon kay Fire Chief Inspector Reden Alumno, kinilala ang biktima na si Alexander Lionel, 13, elementary pupil, residente ng Carcer St., Sampaloc.
Aabot sa 15 bahay na pawang gawa sa mga light material ang nasunog at nagsimula ang apoy sa bahay na inuupahan ng isang Mary Moral.
Nagsimula umano ang sunog alas-12:47 ng tanghali kung saan umabot ito sa ikalawang alarma at idineklarang fireout alas-3:06 ng hapon.