Search
  • Mylene Alfonso

Misis may kabit, banta ni mister bago naglaslas at bigti | MUMULTUHIN KO KAYO!


NANAKOT pa ang isang mister sa kanyang mi­sis bago tinotoo ang kanyang bantang pagpapakamatay na dadalawin nito ang huli at hinihinalang kalaguyo nito kahit na nasa kabilang buhay na ito kamakalawa nang umaga sa Maynila.

Kinilala ang nasawi na si Bien Navarro Carbos, 53, residente ng Ermita, Manila.

Ani Briggs, anak ng bik­tima, binalewala niya ang pag­babanta ng kanyang ama sa pag-aakalang hindi nito itutuloy kung saan narinig nito ang mga katagang, “mag­pa­kamatay ako, dadalawin ko kayo, magkita-kita na lang tayo sa impiyerno!”.

Batay sa imbestigasyon ni SPO4 Glenzor Vallejo, alas-8:30 ng umaga nang madiskubre ang kanilang ama na nakabitin sa loob ng kanilang bahay.

Nagulat na lamang siya nang sabihin ng mga kapatid na nakabitin na sa loob ng kuwarto ang ama.

Humingi pa ng saklolo ang magkakapatid at dinat­nan pa ng mga tauhan ng Pedro Gil Police Commu­nity Precinct ang biktima na nakabigti. Nakita rin na may sugat sa pulso ang biktima na in­dikasyong sinubukan pa nitong maglaslas.

Ang dugo rin ang mis­mong ginamit sa suicide note para sa kanyang asawa na isa umanong barangay tanod sa kanilang lugar na lumayas ng bahay.

“Umalis ka P***** I** Brigett, pa**** ka.. magkita tayo sa impiyerno, magna­nakaw... hayop ka,” nakasa­ad sa mensahe na isinulat sa plywood, gamit ang kanyang sariling dugo.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.