• BULGAR

Malinaw ayon sa palad... BEBOT NA NAKATAKDANG PAKASALAN NG KASALUKUYANG KASINTAHAN

Maestro Honorio Ong

KATANUNGAN

  1. Itatanong ko lang kung makapag-a-abroad ba ang boyfriend ko na ngayon ay nag-a-apply bilang factory worker sa Korea?

  2. Matagal na kasi siyang nag-a-apply, pero hindi pa rin siya tinatawagan ng agency kahit tinutulungan na siya ng mga kapatid niya na nag-a-abroad din.

  3. Matutuloy pa kaya siya at kung matutuloy ang boyfriend ko, compatible at kami na ba ang magkaka­tuluyan, balang-araw?

KASAGUTAN

  1. Sa kaliwa at kanang palad ng boyfriend mo, kapansin-pansin ang malinaw na Travel Line (Drawing A. at B. t-t ar­row a.). Ibig sabihin, ti­yak ang magaganap, ma­kapag-a-abroad ang boy­friend mo at hindi lang basta makapag-a-abroad, bagkus, dahil nagtataglay siya ng straight na Head Line (Drawing A. at B. H-H arrow b.) sa kaliwa at kanan niyang palad, ito ay malinaw ding tanda na habang nasa ibang bansa siya, siya rin ay matututo o magiging mahusay sa pag-iipon at pagsisinop ng kabuhayan kung saan dahil dito, mas makapag-iipon kayo ng maraming pera hanggang sa tuluyan na kayong makapagpakasal.

  2. Ang pag-aanalisang kayo na ang magkakatuluyan ay madali namang kinumpirma ng kaisa-isang malinaw at ma­kapal na Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad kung saan ito ay nagsasabing kung sino ang pangmatagalan at seryosong unang karelasyon mo, walang duda, sa dakong huli siya na rin ang iyong ma­katutuluyan at mapapangasawa.

MGA DAPAT GAWIN

  1. Kaisha, mapalad ka sapagkat, ayon sa iyong mga da­tos at ng boyfriend mo na nag-a-apply sa abroad, sigura­dong siya ay matutuloy sa ibayong-dagat at ito ay nakatak­dang ma­ganap sa susunod na taong 2019, sa edad niyang 25 pataas.

  2. Matapos ang humigit-kumulang na apat hanggang limang taon niya sa ibayong-dagat sa taong 2023 sa edad niyang 29 pataas at 28 ka naman, tuluyan nang matutupad ang pinaghandaan at malaon ninyong pangarap na pag­papakasal na hahantong sa pagbuo ng isang maligaya at pangha­bam­buhay na pamilya.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.