Search
  • BULGAR

Kahit ano pang natapos, lahat welcome sa TESDA!

ALVIN FELICIANO / TESDA AT YOUR SERVICE

Mga ka-TESDA, kahit ano pa ang estado ng inyong buhay ngayon kung kayo ay handang maglaan ng oras para matuto at pumasok sa training, puwedeng-puwede kayo sa TESDA. Nakapagtapos man kayo ng kolehiyo o anumang programa ay maaari pa rin kayong mag-enroll sa kahit anong kurso sa TESDA.

Tanong: Magandang araw! Gusto kong malaman kung puwede akong makapag-enroll sa TESDA kahit ako ay hindi nakapagtapos sa kolehiyo, bagkus, ako ay ALS graduate. — Pempole Boy Lovitos

Sagot

Mga ka-TESDA, tinatanggap ng TESDA ang mga nakapagtapos ng Alternative Learning System o ALS at para makita ninyo ang listahan ng mga programa sa TESDA, mangyari lamang na inyong bisitahin ang ating website na www.tesda.gov.ph at i-click ang ‘Registered Course’. Maaari rin kayong mag­sad­ya mismo sa pinakamalapit na opisina ng TESDA sa inyong lugar upang mabigyan kayo ng kaukulang serbisyo at magabayan ng maayos.

Tanong: Ako ay BS Information Technology graduate at narinig kong mayroong sertipiko ang TESDA na magagamit o maaaring maging Civil Service eligibility na serti­piko. Puwede ko bang malaman kung ano ang dapat gawin upang maka­kuha ako ng sertipiko na pasok sa aking propesyon? Kinakailangan ko kasi ito para makapagtrabaho sa ahensiya ng gobyerno. — Christopher Caseñas

Sagot

Mga ka-TESDA, ayon sa CSC Memorandum Circular No. 10 series 2013, ang pagpapalit ng TESDA National Certificate (NC) upang maging Civil Service eligibilities (sub-professional) ay natapos na noong Desyembre 31, 2013. Para sa karagdagang impormasyon tungkol dito, tumawag sa Civil Service Commission sa mga numerong 931-8092/ 931-7939 o direktang i-email ang mga ito sa webmaster@webmail.csc.gov.ph

Mga ka-TESDA, ang bawat isa ay may karapatang matuto at pumili ng gusto nilang kurso. Gayunman, kung hindi kayo makapag­desisyon sa inyong nais kunin, maaari ninyong kausapin ang mga staff at siguradong tutulungan nila kayo sa inyong desisyon na konektado sa nais ninyong mangyari sa inyong kinabukasan. Ang bawat opisina ng TESDA ay laging handa upang sagutin ang inyong mga katanungan.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.