Search
  • BULGAR

HOROSCOPE | Oktubre 30, 2018 (Martes)

Maestro Honorio Ong

SA MAY KAARAWAN NGAYONG OKTUBRE 30, 2018 (Martes): Kung ano ang pangarap mo, matutupad ang lahat ng ito dahil may mabuti kang puso, ito ay ginaga­rantiyahan ngayong araw ng iyong pagsilang.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Dagdagan mo ang lakas ng iyong loob upang madagdagan din ang mga suwerteng iha­hatid sa iyo ng langit. At kapag hindi ka nagbago, ang pagyaman mo ay ginagarantiyahan ng nasa itaas. Ito ang men­sahe para sa iyo. Masu­werteng kulay-biege. Tips sa lotto-11-19-27-30-35-42.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ihanda mo ang iyong sarili sa nag­lalakihang mga suwer­teng papalapit sa iyo. Ali­sin mo ang iyong mga kahinaan nang sa gayun ay hindi masayang ang iyong magagandang ka­palaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-11-15-23-28-34.

GEMINI (May 21-June 20) - Mabilis ang pagdapo sa iyo ng mga suwerte kung saan hindi mo mama­malayan na ikaw pala ay bubuwe­na­sin. Kapag bigla kang sumaya, makipagsapa­laran ka. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lot­to-3-9-15-23-32-35.

CANCER (June 21- July 22) - Labanan mo ang lung­kot. Kapag ma­saya ka, ang magagan­dang kapalaran na hindi mo sukat akalaing para sa iyo ay magdarapuan sa buhay mo. Ito ang mensa­he para sa iyo. Masu­wer­teng kulay-violet. Tips sa lotto-2-10-14-16-21-29.

LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag kang magpapalit ng paninindigan dahil humahanga ang la­ngit sa taong matatag. Sa ganito, makatatanggap ka ng malalaking biyaya na labis mong ikatutuwa. Ma­suwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-17-27-34-38-44.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kapag buma­gal ka, baba­gal din ang pag­lapit sa iyo ng mga suwerte. Ito ang sikreto ng kapalaran mo at kaila­ngan mong maunawaan na mangyayari ito nang pang­habambuhay. Ma­suwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-13-24-30-31-35.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nananariwa ang halaman kapag nadidi­li­gan. Sa ngayon at sa darating pang mga araw, magsaya ka nang sa gayun ay magbalikan ang mga suwerte mo. Masuwer­teng kulay-brown. Tips sa lotto-17-29-31-38-41-43.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi na­tutulog ang la­ngit. Lagi itong nakasubaybay sa hindi na­kalilimot. Patutuna­yan sa iyo ng nasa itaas na nari­ri­nig Niya ang iyong mga kahilingan kahit ikaw ay may pag-aalinlangan. Ma­suwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-10-14-22-29-30.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21)- Buma­ba­ba ang nasa itaas, ito ay ba­tas na ng kapalaran. Upang manatili kang nasa itaas, huwag mong kalilimutan na palaging magpa­kum­baba. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-11-14-29-31-33.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Muli, kon­trolin mo ang pagiging ma­hiyain mo nang sa gayun ay mahawakan mo ang magagandang kapalaran na magmumula sa mga bago mong kakilala at ka­ibigan. Masuwerteng ku­lay-yellow. Tips sa lotto-12-28-30-31-35-41.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakaka­tawa ang ka­palaran ng mga nanghuhusga sa iyo dahil sila ngayon ang huhusga­han ng langit kung saan makatatanggap sila ng pa­rusa mula sa itaas. Masu­wer­teng kulay-purple. Tips sa lotto-5-11-17-24-26-32.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) – Pumunta ka sa lugar na ­bi­­-hira mong pasyalan. Ka­ilangang lu­mayo ka muna at mamasyal nang sa ga­yun pagbalik mo ay su­wertehin ka. Ma­suwer­teng kulay-pink. Tips sa lotto-10-14-16-24-39-40.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.