Search
  • BULGAR

CARGO MOVERS, SISIYAPOL SA SUPERLIGA, LALARGA SA SIMULA ANG TRIPLE HEADER


SISIYAPOL na ang F2 Logistics upang muling maibalik sa kanila ang trono sa eksplosibong triple-header para sa opening salvo ng Philippine Superliga (PSL) All-Filipino Conference ngayong Martes sa FilOil Flying V Centre. Seryoso ang Cargo Movers sa pagdomina dahil nakahanda sila kontra Cignal ng 7 p.m.

Eengkwentro ang Reigning champion Petron kontra Cocolife ng 4:15 p.m. ka­sunod ng 2 p.m. encounter sa pagitan ng Smart at Sta. Lucia sa liga na ito na may 10 finalists para sa Best Women’s Sports Event category ng prestihiyosong SPIA Asia Awards.

Ang liga ay pormal nang magbubukas sa Ynares Sports Center sa Pasig City sa Sabado na sisimulan ng pares ng laban ng Collegiate Grand Slam, ang bagong salang na mga laro sa liga, kung saan anim ang best college teams ng bansa ang kalahok.

Mula nang lumahok sa liga noong 2016, ang conference ay pinalalakas ng Cargo Movers, salamat sa intact core nina Aby Maraño, Cha Cruz, Majoy Baron, Ara Galang, Dawn Macandili, Kianna Dy, Kim Fajardo at iba pang dating De La Salle University players.

Kumawala sa kanila ang korona at naagaw ng Blaze Spikers noong 2017, kaya naman bumawi sila at umalagwa para kunin ang Grand Prix sa nakaraang ilang buwan kasama ang mga import na sina Venezuelan MJ Perez at American Kennedy Bryan.

Ngayong taon, walang ibang balak ang F2 Logistics kundi ang muling angkinin ang tropeo. “We are ready to do everything to win the crown,” ayon kay assistant coach Noel Orcollo na aniya ang Petron Blaze Spikers ay hindi lang tanging team na siyang inaabangan dahil ang ibang squads ay may pambalandra rin.

“This conference is probably the most difficult conference to win. This is not an easy conference as all teams prepared well. Every team is a team-to-beat. But our owners didn’t spend a huge amount for us to slack off. We will give other teams a very good fight.”

Aaksiyon din para sa Cargo Movers sina Mae Luna, Tin Tiamzon, Fritz Gallenero, CJ Saga, Aduke Ogunsanya, Michelle Cobb at Desiree Cheng. Sinabi ni Cruz, ang seasoned spiker na nasa hustong kondisyon ngayon na unang naging bahagi ng national squad na nagmula sa kampanya sa Asian Games at Asian Women’s Cup ng nakaraang dalawang buwan, aniya seryoso ang kanilang buildup bilang paghahanda sa torneo.

“We know that this is a major tournament so we really trained hard to prepare,” ayon sa open hitter, na siyang mangunguna sa opensa kasama ang matikas na sina Galang at Dy.

“We’ve been together for few years already since our college days, but we still worked on our chemistry, knowing that this would be our biggest advantage against other teams.”

Ang F2 Logistics, gayunman ay walang sasayanging oras para sa unang panalo. Mamartsa ang HD Spikers na pinalakas ang roster nina hard-hitting spiker Royse Tubino, Luth Malaluan at Roselyn Doria para makasama ang powerhouse squad nina national team member Mylene Paat at skipper Rachel Anne Daquis.

Nasa team din sina Janine Navarro, Rialen Sante, Jheck Dionela, Acy Masangkay, Cherry Vivas, Cindy Amutan, Mae Maca­tuno, Rap Aguilar at Shirley Salamagos. “We like our chances. All our needs were addressed both on offense and on defense,” ayon kay head coach Edgar Barroga. (MC)

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.