Search
  • BULGAR

Babala sa namamaga ang mga binti!

SHANE M. LUDOVICE, M.D / SABI NI DOC

Dear Doc. Shane,

Ako ay 7 buwang buntis at gusto kong malaman kung bakit namamaga ang aking mga binti hanggang tuhod? Sabi nila, normal lang ito sa buntis at kusang nawawala paglabas ng bata. Totoo ba ito? — Adeline

Sagot

Ang pamamaga ng mga tuhod at paa ng buntis ay tinatawag na pamamanas o edema at dahil ito sa abnormal na pagdami ng tubig sa mga tissue. Bagaman, ito ay hindi pangkaraniwan sa normal na mga kalagayan, ang pamamanas ay karaniwan sa mga buntis dahil ang inyong katawan ay nag-iipon ng maraming tubig. Ang mga pagbabago sa dugo bilang buntis ay siyang dahilan kung bakit maraming tubig ang naiipon sa inyong mga tissue. Karagdagan pa, ang inyong lumalaking matris ay mas bumibigat kaya itinutulak nito ang iyong mga ugat pababa.

Gayunman, pagkapa­nganak, ang pamamaga ay mabilis na mawawala dahil sa pagkawala ng sobrang tubig.

Narito ang ilan sa mga puwedeng gawin para mabawasan ang pama­manas:

  • Itaas ang mga paa hangga’t maaari.

  • Iunat ang mga paa ng madalas kapag nakaupo.

  • Hilutin ang mga binti — iikot ang mga tuhod at mga daliri ng paa.

  • Huwag umupo o tumayo nang matagal — upang ang iyong dugo ay hindi maipon sa mga paa.

  • Magsuot ng kom­por­tableng sapatos.

  • Iwasang magsuot ng masikip na pantalon o stockings.

  • Uminom ng mara­ming tubig — makatu­tulong ito na mailabas ang sobrang likido sa katawan.

  • Mag-ehersisyo, araw araw.

  • Kumain ng sapat.

  • Iwasan ang junk foods.

Gayunman, kinakaila­ngan pa ring sumangguni sa doktor kung mapansin mong matindi at biglaan ang pamamaga sa iyong mukha, lalo na sa mga mata, kamay, tuhod at paa. Ito ay isang senyales ng preeclamsia, isang seryoso at nakamama­tay na kondisyon, gayundin, kung mapapansin mong mas malaki ang isang paa kumpara sa isa, lalo na kung ikaw ay nakararanas ng pananakit sa baywang. Ito ay sintomas ng pamu­muo ng dugo at ito ay seryosong kondisyon, gayundin, kung ito ay hindi mawala sa loob ng isang linggo o kaya ay may kasamang matinding pag­sakit ng ulo at mga paa.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.