- Clyde Mariano
ARNIS ENTHUSIASTS SA CAVITE, IKAKATAWAN SA MGA TORNEO

NAGDAAN ang matagumpay na torneo na ginawa sa Naga City sa Camarines Sur at Bacolod sa Negros Occidental, muling aagaw ng pansin ang mga martial arts sa arnis na gagawin sa General Mariano Alvarez sa Cavite sa susunod na linggo matapos ang All Souls Day.
Mga arnis enthusiasts sa Cavite at karatig-lalawigan ang lalahok sa nasabing paligsahan na itinaguyod ng Arnis Philippines ng Philippine Sports Commission. “We are expecting around 400 arnis enthusiasts will compete,” sabi ni coach Reynaldo Postrado sa panayam sa kanya kung saan dinetalye niya ang lahat na bagay tungkol sa nasabing competition na unang gagawin sa makasaysayang bayan na pinangalan sa revolutionary hero sa Cavite. Matapos sa Cavite, pupunta sila sa iba’t-ibang lalawigan para magsagawa ng parehong torneo.
Ayon kay Postrado ang torneo ay bahagi sa grassroots programs ng makatuklas ng maraming may potential sa arnis sa kanayunan kung saan maraming naglalaro.
Sinabi ni Postrado na may 300 sumali sa Naga City at mahigit 400 ang lumahok sa Bacolod City. Pinangasiwaan ni Postrado and arnis sa weekly Learn and Play Sports for Free na inilunsad ng PSC at ginagawa tuwing Linggo sa Rizal Park.
Idinagdag ni Postrado na nagsasagawa sila ng arnis sa iba’t-ibang lalawigan upang makaakit ng mga kabataang maglaro ng arnis at maging kinatawan ng bansa sa malalaking kompetisyon, local at international. Ang arnis ay nilaro sa Batang Pinoy, Philippine National Games, PRISAA at Palarong Pambansa.