Search
  • Nitz Miralles

Alis kasi nang alis, binitawan na tuloy ng manager… AKTRES, 'DI PA NAMAN SENIOR CITIZEN, MAY CUT

BLIND ITEM:

Wala na palang manager ang isang aktres kaya sa kanya na dumidiretso ang nag-o-offer ng project. Maganda ito dahil wala nang kahati sa talent fee ang aktres at maka­kapag-demand siya ng gusto niya sa project na ino-offer sa kanya.

Hindi na nakatiis ang manager ng aktres dahil sa ugali niya na kapag malapit na ang cut-off niya sa taping, kahit may 30 minutes pang natitira before her cut-off, umaalis na siya kahit hindi pa tapos ang mga eksena niya. Nai­inis na sa kanya ang production ng soap dahil nasisira ang trabaho ng lahat.

Ang nakakapagtaka, bakit pumayag ang production at ang network na bigyan ng cut-off ang aktres gayung bata pa siya? Nasa early 50s pa lang ang edad ng aktres, kaya pa niyang mag-extend nang ilang oras sa taping, pero bakit may cut-off siya?

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.