Search
  • Jeff Tumbado

5 pulis na sangkot sa P11-B shabu smuggling, hawak na ng PNP

HAWAK na ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group ang limang opisyal nito na itinuturong sangkot sa pagpupuslit ng P11 bilyong halaga ng shabu shipment sa Bureau of Customs.

Personal na inihayag ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde ang pagsa­sailalim nila sa kustodiya sa limang police officials na sina Senior Supt. Leonardo Suan, Senior Supt. Lorenzo Bacia, Inspector Lito Pirote, Insp. Conrado Caragdag at SPO4 Alejandro Liwanag.

Nilinaw naman ni Alba­yalde na hindi pa arestado ang mga ito dahil ongoing pa ang imbestigasyon at malaya silang makakalabas-pasok sa Camp Crame kung kailan nila gusto, basta regular silang magre-report kay CIDG Director Chief Supt. Ruel Obusan.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.