Sekyu at bebot tiklo sa shabu
KALABOSO ang isang security guard at 41-anyos na babae matapos mahulihan ng shabu sa Malabon City.
Kinilala ni Malabon Police Chief Sr. Supt. Jessie Tamayao ang mga naarestong suspek na sina Roland Odonzo, 47, user, ng Bgy. Acacia at Rosanna Tarang, 41, user, ng Bgy. Potrero.
Alas-2:50 ng hapon, nagpapatrulya sina PO1 Jayron dela Cruz at PO1 Jefferson Torte sa kahabaan ng University Ave., Bgy. Potrero nang mapansin ang mga suspek na abala umano sa pagbusisi ng dalawang plastic sachets. Kapwa inaresto ang mga suspek at nakumpiska sa mga ito ang dalawang plastic sachets na naglalaman ng hindi pa matukoy na halaga ng hinihinalang shabu.





Comments