Search
  • BULGAR

Sa TESDA, ang mga trainer, sure ang success!

ALVIN FELICIANO / TESDA AT YOUR SERVICE

Mga ka-TESDA, hindi tayo tumitigil sa paghahanap ng mga nais magturo at magbahagi ng kanilang mga nalalaman at karanasan sa iba’t ibang larangan. Kahit sino ay tatanggapin ng TESDA basta handa ninyong ilaan ang inyong oras para sa ikauunlad ng inyong buhay.

Tanong: Isa akong domestic helper sa Saudi Arabia at babalik na ako sa Pilipinas sa susunod na buwan at handa akong magtrabaho at magturo ng aking mga natutunan dahil nais kong ipamahagi ang aking kaalaman at karanasan tungkol sa kultura ng Saudi Arabia tulad ng paghahanda ng pagkain at iba pa. — Evangeline Flores

Sagot

Mga ka-TESDA, upang maging TESDA certified trainer, kailangan ninyong masigurado ang TESDA National Certificate Level II sa inyong qualification or skill. Gayundin, kailangan kayong magsanay sa Trainer Methodology at pagkatapos sumailalim sa pagsusulit sa National TVET Trainers Certification upang makakuha ng National TVET Trainers Certificate (NTTC). Maaaring magpunta sa pinakamalapit na opisina ng TESDA para kayo ay mabigyan ng kaukulang gabay tungkol sa iba pang katanungan.

Tanong: Magandang araw! Anu-ano ang mga kakailanganin para makakuha ng exam at makapasok sa TESDA? — Jen Teroylo

Sagot

Mga ka-TESDA, sa karamihan ng tech-voc courses, isa sa entry requirements ay dapat nakapagtapos na ng high school kahit papaano. Gayunman, maaari kayong bumisita sa pinakamalapit na TESDA office sa inyong lugar upang malinawan. Sila rin ang magbibigay ng mga kaukulang karagdagang requirements.

Mga ka-TESDA, kung nais ninyong maging estudyante at makapag-training, pag-isipang mabuti ang kursong nais kunin. Kung kayo ay naghahangad na mapahanay sa mga ulirang trainer ng ahensiya, kami ay bukas at handa kayong bigyan ng pagkakataon. Sa lahat ng interesado, pumunta na sa mga malalapit na opisina ng TESDA sa inyong lugar.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.