top of page
Pokwang.jpg

Maging alerto, gawing ligtas at mapayapa ang Undas

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 29, 2018
1 min read

KASABAY ng paghahanda sa paggunita ng Undas, pinayuhan ng Department of Health ang publiko na maging ligtas.

Mag-schedule ng maagang biyahe para iwas-trapik, magbaon ng tubig at pagkain lalo na sa mga nakatatanda na madaling magka­roon ng dehydration at may mga iniindang sakit.

Magdala rin ng first aid kit, lalo na kung mahaba ang biyahe.

Bagama’t, tiniyak ng ahensiya na magtatalaga sila ng medical staff at mga ambulansiya sa mga key area tulad ng sementeryo at mga terminal ng sasakyan para makatugon sa emergency.

At dahil sa ulat na magiging maulan ang Undas, huwag kalimu­tang magdala ng payong, kapote at bota.

Pinapayuhan ding maging alerto sa anumang insidente. Inga­tan ang ating sarili at mga kasama.

Nawa ay maging mapayapa ang ating pag-alala sa ating mga mahal sa buhay na pumanaw ngayong Undas.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page