Search
  • ROMA AMOR

Lalaking naadik sa computer games kaya napabayaan ang pag-aaral

Dear Roma,

Ako si Czian, 24 years old. Hindi ako nag-enroll ngayong semester dahil ayaw ng parents ko. Ka­salanan ko naman dahil nu’ng last sem ay bumag­sak ako sa lahat ng sub­jects ko dahil naadik ako sa paglalaro ng dota. Noong nalaman ng pa­rents ko na bagsak ako, nagalit sila at hindi ako pinag-enroll ngayong sem. Napag-usapan na rin daw nila ni papa na pansa­mantala muna ka­ming titira ng anim na buwan sa Canada. Sinu­bukan ko silang kausa­pin na bigyan nila ako ng chance na makapag-aral ulit, ang kaso mukhang buo na ang desisyon nila na lumipat muna kami. Roma, ano ba ang ma­ipapayo ninyo sa akin na puwede kong gawin para payagan nila ulit akong mag-aral? Maraming salamat! — Czian

Czian,

Sa ngayon, sumunod ka muna sa gusto ng mga magulang mo at ipa­kita mo sa kanila na nagsisisi ka na sa pagka­kamaling nagawa mo noon. Maipapayo namin sa iyo na kung bibigyan ka na ng pagkakataong makapag-aral muli, sigu­raduhin mo na gagawin mo ang lahat ng maka­kaya mo upang maipasa ang mga subject mo. Ma­buting mangako ka rin na hindi ka na muling ma­­aadik sa paglalaro ng dota at maglalaan ka ng oras sa iyong pag-aaral. Good luck sa iyo, Czian!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.