Lalaki bago binaril sa ulo, sigaw ng hired killer | BABAERO!

“BABAERO ‘yan!” Ito umano ang isinigaw ng hindi pa nakilalang gunman nang malapitang paputukan ng baril ng dalawang ulit sa ulo ang 41-anyos na lalaki sa Quezon City.
Nakilala ang biktima na si Jake Ong, messenger ng electrobill at residente ng Bgy. San Agustin.
Ayon kay Police Insp. Nick Fontanilla, dead-on-the-spot ang biktima sanhi ng tinamong dalawang tama ng bala ng baril sa kanang pisngi at ulo.
Sa inisyal na report na nangyari ang krimen alas-9:30 ng umaga ng Sabado sa isang karinderya sa Bgy. Katipunan.
Nag-aalmusal ang biktima kasama ang dalawang kaibigan na sina Andrew Ramirez at Jayrus Sara nang lapitan ng lalaki at matapos bitawan ang mga salitang, “Babaero ‘yan!”, saka binaril sa ulo si Ong.
Nang duguang bumulagta at masigurong patay na ang biktima ay tila walang nangyari na naglakad palabas ng karinderya ang suspek at sumakay sa kanyang getaway motorcycle.
Masusing iniimbestigahan pa ng pulisya kung ang suspek ay isang ‘hired killer’ o siya mismo ang inagawan ng babae ni Ong dahil sa binitiwan nitong pananalita bago binaril ang biktima.





Comments